Bulungan Sa Subic

October 26, 2014

It was a regular Sunday morning… Ayun. The end. Nosebleed much ­čÖé

Linggo ng umaga naisipan ko maglakad-lakad tutal day-off ko naman. Sabi ni Tonying, maganda daw magphotowalk sa may bulungan sa Subic, Zambales.

Nalate ako ng gising, maliwanag na ng umalis ako ng bahay namin. Sumakay ako ng orange na jeep at naglakad papuntang terminal ng bus. Pagbaba, sinundan ko na lang yung mga bangka, hindi ko kasi alam papunta dun.

IMG_3803cc

Hindi ko na nakita yung mga nagbubulungan, malamang nauna pa makarating sa akin yung mga isda sa palengke.

IMG_3844cc

IMG_3843cc

Kaya naglakad-lakad na lang ako sa tabing dagat. Mababaw ang tubig sa pampang kaya medyo nakalapit ako sa mga bangka. Low tide? Sa umaga lang ba yung low tide? Ala di ko alam. haha

IMG_3806b

IMG_3813ccIMG_3862cc

Kahit maliwanag na, mayroon pa ding mangilan-ilang nagbaba ng mga nahuling isda.

IMG_3841cc

IMG_3810cc

IMG_3833cc

Meron din namang bumiyahe galing sa ibang isla at bumaba tapos yung iba naman sumasakay ulit.

IMG_3825cc

IMG_3836cc

May narinig akong pumutok sa may pampang. Nakita ko yung dalawang bata na naglalaro ng walang buhay na dikya.

IMG_3827cc

Nilagyan nila ng paputok, sinindihan, layo ng konti at Boom! Parang jelly ace na nalaglag sa sahig. Dobol dead. Sumalangit nawa si Jellyna Ace.

IMG_3828ccWala mang nagbubulungan, madami namang yelo! May tricyle na nagdedeliver sa may pampang tapos ikakaraga sa mga floater papunta sa mga banka.

IMG_3865cc

Paglilipat ng yelo sa floater in bw. (Insert background music hehe)

IMG_3863bw

Tipak-tipak ng yelo yung binubuhat ng kargador mula sa pampang hanggang sa floater. Nung simula, tinatangay pa ng alon yung floater kaya medyo mahirap ang pagkarga ng malamig na yelo sa kamay na walang gloves. IMG_3874bw

Dinadala ni kuya yung floater sa mas malalim na parte ng dagat habang bumibigat ang bangka para mas madaling hilahin.IMG_3885bw

Kapag puno na, hilahin ang floater na may┬ámga┬áyelo sabay sigaw, “Yelo Ranger Delivery!” Opo, last joke ko na yun di na ako uulit. ­čÖé

IMG_3888bw

May mga floater din na gawa sa mga styrofoam pagkatapos binalot ng lambat.

IMG_3906bw

Ang daming bangka!!!

IMG_3826cc

IMG_3830cc

IMG_3819cc

Pagkatapos ko mag-ikot sa may bulungan, naglakad lakad pa ako Bahala na ulit kung saan dalhin ng mga paa.

IMG_3927

IMG_3925ccIMG_3926cc

IMG_3928cc

Nakita mo ba ung nakadungaw sa gilid ng bintana?

IMG_3930ccPaglingon ko, nakita ko yung hanay ng mga poste ng semento sa dagat. Sugod sa tubig! Sabi nila dating may nakalapat na tubo daw duon na naka-konekta sa factory ng semento. Ano kaya itsura ng sunset dito?

IMG_3932ccIMG_3935bwIMG_3942cc

Magtatagal pa sana ako kaso lowbat na yung camera ko tapos hindi ko din pala dala ung charger. Napilitan tuloy akong umuwi ng maaga. Sugod ng sugod wala naman dalang sandata!

Madami akong nakunan medyo nabitin ako pero pwede pa naman bumalik anytime. Hndi naman kalayuan ang byahe mula sa amin. ­čÖé

O pano, hanggang sa susunod mga bata, paalam!

— Memel

Wow, may photo blog ako?

Mahilig akong mag photowalk. Hindi man kalayuan ang napupuntahan ko, basta may dala akong camera, bahala na kung saan dalhin ng mga paa.

Naalala ko ang una kong camera e yung  camera ng Nokia 5210. Doon nagsimula ang interest ko sa photography. Ngayon may mas maayos na akong camera pero kinakain pa din ako ng buhay. Yung tipong akala mo may nakuha kang maganda pero sablay naman. Feeling ko nga mas ok pa yung mga kuha ko nung cellphone at digicam ang gamit ko hehe.

Hindi ko alam kung mapapangatawanan ko tong blog na to.┬áMeron kayang magbabasa? ­čÖé

— Memel